Gumagamit na rin ng misting tents ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ma disinfect ang mga kliyente na pumapasok sa kanilang tanggapan.
Ginagamit din ito ng mga DSWD officials at kawani na nagsisilbing skeletal forces bago sila tumuloy sa kanilang work stations bilang bahagi ng safety measures na ipinatutupad ng ahensiya.
Ayon sa DSWD marami ang mga kliyente ang nagtutungo at humihingi ng tulong sa Crisis Intervention Unit (CIU) ng DSWD sa central office sa Quezon City at kailangang dumaan sa Safety Precautions.
Ang CIU ang siyang nagkakaloob ng tulong sa Individuals in Crisis Situation (AICS) tulad ng Financial, Medical, at Burial Assistance.
Sa ngayon ,abot na sa P117 Million ng halaga ng tulong ang naibigay sa pamamagitan ng AICS sa mga DSWD-Field Offices sa buong bansa sa panahon ng Quarantine Period.