Ilang oras matapos ang pagputok at pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon kagabi sa Negros Islands, ipinagutos na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang agad na pagpapadala ng karagdagang tulong para sa mga apektado residente.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, papunta na ang karagdagang 40,000 family packs.
Paliwanag pa ng kalihim, 20,000 dito ay para sa Negros Oriental at 20,000 din sa Negros Occidental.
Dagdag pa ng DSWD, bukod pa ito sa 13,000 food packs na una nang naka-preposition na para sa agarang pagbibigay ng tulong tuwing mayroong kalamidad.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa kanilang mga regional director sa Western Visayas at Central Visayas maging sa iba’t ibang local government units para sa iba pang kakailanganing tulong.