DSWD, nagpadala ng karagdagang ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Quirino Provinces

Nagpadala pa ng karagdagang pagkain ang Department of Social Welfare and Development para sa mga pamilyang sinalanta ni bagyong Ulysses sa mga lalawigan ng Cagayan at Quirino.

Aabot sa higit ₱4 Million halaga ng family food packs ang ipinadala ng DSWD Field Office 2 sa mga apektadong Munisipalidad sa Rehiyon kabilang ang mga bayan ng Sta. Teresita, Sta. Praxedes, Solana at Tuguegarao City sa Cagayan.

Habang sa Quirino Province ay naman ang mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Nagtipunan, Saguday at Madela ang nakatanggap ng tulong.


Bukod diyan ay nagpadala rin ang National Resource Operations Center ng DSWD ng karagdagang 10,000 food packs, 2,000 hygiene kits, at 2,000 sleeping kits.

Samantala batay sa datos ng DSWD ay nasa 80,098 pamilya na binubuo ng 303,055 katao ang nananatili pa rin sa mga temporary shelter sa 2,980 Evacuation Centers sa Regions 1-2-3-5, CALABARZON, CAR, at National Capital Region.

Bilang nangungunang ahensiya sa Food and Non-Food Item Cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, tinitiyak ng DSWD na sapat ang mga pangangailangan na ipagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments