Nag-deploy na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng quick reaction teams isa iba’t ibang field offices upang ihatid ang nasa ₱884 million na halaga ng ayuda sa mga naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Pangungunahan ng QRT ang distribution efforts sa mga lugar na dinaanan ng dating super typhoon.
Ayon kay DSWD Undersecretary Felicisimo Budiongan, aabot na sa ₱115 million na halaga ng ready-to-eat family food packs ang kanilang ipinamahagi.
Nasa ₱180 million na halaga ng food items ang naka-packed na sa kanilang field offices at handa na ring ipamahagi.
Bago pa man tumama ang bagyo, nakapaghanda ang ahensya ng ₱279 million na halaga ng non-food items, kabilang ang tents, kitchen utensils, hygiene kits at iba pang basic necessities.
Nasa ₱263 million ang standby fund para matugunan ang resupply demands at iba pang emergency needs.