MANILA – Naka-alerto naman ang Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na apektado ng bagyong Auring.Sa pagtaya ng DSWD, halos isang milyong pamilya o mahigit 4.8 milyong katao ang bantad sa landslides o flashfloods sa CARAGA, ARMM, regions 10, 8, 7, 12, 11 at 6.Sa pagtataya ng DSWD – aabot sa 6,000 katao ang nagsilikas mula sa kanilang mga bahay sa gitna ng pananalasa ng bagyong Auring sa Mindanao at Visayas.Kabilang sa mga apektado ang mga residente ng siargao Island, Surigao Del Norte kung saan unang nag-landfall ang bagyo kahapon.Ito ang unang bagyong tumama sa pilipinas sa pagpasok pa lamang ng taong 2017.
Facebook Comments