Thursday, September 17, 2026

DSWD, patuloy na tumutulong ay mino-monitor ang nga apektadong indibidwal ng Habagat at mga nagdaang bagyo

Patuloy pa ring mino-monitor ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang bilang ng mga pamilya at indibidwal na apektado ng Habagat, na mas pinalakas pa ng mga nagdaang Bagyong Luis, Maymay, Neneng, ar Pilandok.

Sa pinakahuling tala ng DSWD-Disaster Response Management noong Miyerkules ng gabi, Sept. 16, umabot na sa mahigit 10-milyong indibidwal ang apektado ng nasabing mga sakuna.

Mula ito sa halos 7-libong barangay sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Eastern at Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Sa kabilang banda, mahigit 31-libong apektadong indibidwal naman ang kasalukuyang nananatili sa loob ng mahigit 400 evacuation centers, habang mahigit 56-libong apektadong indibdwal naman ang pansamantalang nakikitira sa mga kakilala, kaibigan, o kaanak.

Sa ngayon, may mahigit P3-billion pang pondo ang ahensya para sa patuloy pamamahagi ng tulong sa mga apektadong indibidwal at pamilya sa nasabing mga rehiyon.

Facebook Comments