Thursday, September 17, 2026

Koordinasyon sa paglalatag at pagpapatupad ng mga proyekto kontra baha, iginiit ng DPWH

Inihayag ng Department of Public Woros and Highways (DPWH) na mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mga tanggapan ng gobyerno para masiguro ang maayos na paglalatag at pagpapatupad ng mga plano kontra baha.

Binigyang diin ni DPWH Sec. Vince Dizon na importante ang tulungan sa pagitan ng mga ahensiya upang mabilis at maging maayos ang proyekto.

Isa sa tinukoy ng kalihim ang nasimulan nang paggawa ng detention basin sa Rajah Sulayman Park na pinondohan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Aniya, bahagi ito ng mga proyektong nakalatag na gagawin para matugunan ang matagal at matinding problema sa pagbabaha sa Metro Manila.

Nilinaw naman ng kalihim na bahagi ng masterplan ng Manila LGU ang planong detention basin sa Luneta.

Unang ipinirisinta ng DPWH ang ginagawang catchment o detention basin sa Rajah Sulayman Park na tapat ng Malate Church na kayang sumalo ng baha na katumbas ng isa’t kalahating olympic sized na swimming pool.

Facebook Comments