MGA KABATAAN SA SAN CARLOS CITY, NAGPAKITANG GILAS SA MURAL PAINTING COMPETITION

Nagpasikat ng angking talento sa sining ang mga kabataan sa isinagawang On-the-spot Mural Painting Competition sa San Carlos City, Pangasinan noong Lunes, Setyembre 14.

Nakilahok ang mga kabataan sa naturang paligsahan na may temang “The Youth Canvas of Change!” kung saan ipinamalas nila ang kanilang kakayahan sa pagpinta.

Ang naturang aktibidad ay bahagi parin ng Linggo ng Kabataang San Carlenean 2026 na inorganisa ng Local Youth Development Office.

Parte din ng selebrasyon ang kanilang pickleball tournament, film-making contest, talent show, at foot race na inaasahang magbibigay-daan naman sa mga kabataan na maipamalas ang kanilang talento’t husay sa iba’t ibang larangan.

Nagpapatunay lamang ito na ang kabataan ay hindi lang pag-asa ng bayan, kundi bahagi rin ng pagbabago na puno ng talento, pangarap, at may kakayahang gawing mas makulay ang kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments