Tuloy-tuloy ang paghahatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief assistance sa mga lugar na apektado ng Bagyong Lannie.
Ayon kay DSWD Spokesperson Glenda Relova, patuloy ang koordinasyon nila sa mga Local Government Unit (LGU) para sa augmentation ng provision ng relief assistance sa mga pamilyang apektado.
Mayroong stockpile at standby funds ang DSWD na nagkakahalaga ng ₱1.1 billion.
Mula rito, ₱147 million ay available stand-by funds sa DSWD Central Office at mga field offices nito.
Kabuuang 365,402 family food packs ang naka-prepositioned sa mga strategic locations sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Facebook Comments