DSWD Secretary Erwin Tulfo, binisita ang mga lugar na tinamaan ng Bagyong Karding sa Quezon at Aurora Provinces

Personal na pinuntahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, ang mga lugar na lubos na tinamaan ng Bagyong Karding sa probinsiya ng Quezon at Aurora.

Ito’y upang makita ang lawak ng nasira sa mga nabanggit na lugar kung saan unang nag-landfall ang nasabing bagyo.

Bukod dito, pinangunahan mismo ni Sec. Tulfo ang pamamahagi ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱5,000 para sa mga may-ari ng bahay na bahagyang nasira dahil sa bagyo habang ₱10,000 naman para sa totally-damaged na mga bahay.


Namigay rin sila ng tig-₱5,000 sa 475 pamilya sa Dingalan, Aurora na lubos na naapektuhan ng Bagyong Karding.

Ang DSWD-Field Office III naman ay namahagi ng mga pagkain at tubig para sa 2,000 pamilya sa Dingalan local government unit (LGU).

Sa kasalukuyan, umaabot na sa ₱1.4 million na halaga ng karagdagang tulong ang naipamahagi na ng DSWD sa mga lugar na apektado ng bagyo sa Regions II, III, at V.

Facebook Comments