Bacoor City Public Employment Service Office, bibisitahin naman ngayong araw ng DZXL Radyo Trabaho

65

Matapos ang matagumpay na pagbisita natin noong nakaraang linggo sa tanggapan ni Bulacan Provincial PESO Manager Atty. Kenneth Lantin.

Pupunta naman ngayong araw ang DZXL Radyo Trabaho team sa Bacoor City Public Employment Service Office.

Ito ay para sa panibagong courtesy visit ng ating grupo kay Bacoor PESO Manager Dr. Abraham Domingo de Castro.


Mamayang alas-9:00 ng umaga, maghaharap ang dalawang panig upang mas mapalawak pa ang nasimulang ugnayan noong 2019, kung saan katuwang nila tayo sa pag-aanunsyo ng iba’t ibang trabaho para sa mga taga-Bacoor.

Matatandaang huli tayong naimbitahan ng PESO Bacoor noong June 2019 sa ikinasang “Trabahong Handog ni Ate Lani, Overseas Job Fair.”

Tulad ng ibang tanggapan ng kagawaran ng pampublikong serbisyo sa pag-eempleyo, madalas bumisita sa ating istasyon at suki ng Usapang Trabaho program ang PESO Bacoor City.



Facebook Comments