DSWD Secretary Tulfo, pinulong ang mga regional head nito bilang paghahanda sa pagtugon sa maaapektuhan ng Bagyong Paeng

Bilang bahagi ng paghahanda ng Quick Response Team (QRTs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa epekto ng Bagyong Paeng, pinulong ni Secretary Erwin Tulfo ang mga regional director ng Region 7, 6, 5, 3 CALABARZON at MIMAROPA Region upang tiyaking nakahanda na ang mga ito sa pagtugon sa epekto ng bagyo.

Sa ngayon ay nakalagay na sa red alert ang lahat ng QRTs ng ahensya sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Sinigurado ng mga regional director na may sapat silang family food packs at standby fund.


Ayon sa DSWD region 7, mayroon silang 9-M na halaga ng stockpiles at standby funds at nakapag-prepositioned na ito ng family food packs.

May mga apektadong pamilya sa 13 LGUs sa Cebu kung saan 173 families o katumbas ng 778 individuals ang apektado.

Kabilang dito ang Cebu City, Minglanila Cebu at Guihulngan Negros Oriental, Daan Bantayan, Medelin, San Remigio Bogo City at Bombon.

Tiniyak naman ng DSWD Region 7 na may sapat na pagkain para ipamahagi sa mga pasahero na stranded sa mga pantalan.

Sa CALABARZON Region, may 5-M na standby funds ang DSWD kung saan mayroon itong
₱16-M para sa food and non-food items.

Humingi na ng tulong ang Mulanay, Quezon na nagpatupad na ng paglikas ng mga residente.

May 539 na evacuation centers sa Quezon ang napupuno na ng mga evacuees.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga LGU sakaling kailanganin na nila ng augmentation support.

Facebook Comments