“No face mask, No entry policy”, mahigpit na ipatutupad sa Manila South Cemetery

Nagpaalala sa publiko ang pamunuan ng Manila South Cemetery na mahigpit nilang ipapatupad ang “No face mask, No entry policy” ngayong Undas.

Ayon kay Jonathan Garzo, Officer-in-Charge ng Manila South Cemetery, nananatili ang banta ng COVID-19 kaya dapat matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita sa sementeryo.

Aniya, tiyak na dadagsa sa mga sementeryo ang mga tao lalo na’t dalawang taon silang hindi nakadalaw sa mga nakahimlay na mahal sa buhay.


Kalahating milyon hanggang 1 milyon ang mga indibidwal na inaasahang tutungo sa Manila South Cemetery ngayong Undas.

Facebook Comments