Thursday, November 12, 2026

DSWD, target na mabigyan ng tulong ang lahat ng apektadong vendor at may-ari ng food stall sa Parañaque at Pasay City bago ang ASEAN Summit

Siniguro ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian, na mabibigyan ng tulong ang lahat ng mga vendor at may-ari ng food stall sa Pasay at Parañaque City, na pansamantalang hindi makakapagtinda, dahil sa umiiral na security measures para sa nalalapit na ASEAN Summit 2026.

Ayon kay Secretary Gatchalian, target nilang matapos sa Biyernes, November 13 ang pamamahagi ng Family Food Packs at P10k cash aid sa bawat apektadong vendor at may-ari ng food stall, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Samantala, humingi naman ng pasensya ang ahensya sa mga naapektuhan ng paghahanda para sa ASEAN Summit 2026.

Facebook Comments