Thursday, November 12, 2026

Mahigit 2-K vendors na pansamantalang nawalan ng trabaho sa Baclaran dahil sa ASEAN Summit, patatayuan na ng sariling gusali

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Pasay at Parañaque na tutulungan nila ang mga vendors at informal settlers na pinaalis sa bahagi ng Baclaran para bigyang daan ang malinis at maayos na hosting ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, patatayuan na ang mahigit 2,000 vendors at informal settlers ng sariling building.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Pasay, lokal na pamahalaan ng Parañaque, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Reclamation Authority (PRA) para sa permanenteng puwesto sa kanilang hanapbuhay.

Ang pahayag ni Olivarez ngayong umaga kasunod ng nagpapatuloy na pay-out sa mga apektadong tindero at tindera sa nasabing lungsod partikular na sa Baclaran.

Tiniyak naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na mabibigyan ng tulong ang lahat ng apektadong vendor hindi lang sa mga taga Parañaque kundi pati sa mga taga Pasay.

Facebook Comments