Puntirya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maibaba na lamang sa 14 percent ang mahihirap sa pagsapit ng taong 2022.
Kasunod ito ng pagiging ganap na batas ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
Ito ang cash subsidy program ng pamahalaan na layuning pagbutihin ang kalusugan at edukasyon ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ayon kay Cezario Joel C. Espejo, director ng Social Marketing Services, ngayong regular at permanente na ang programa, mawawala na ang pangamba ng mga benepisaryo na matitigil ang kanilang napapakinabangang benepisyo sa ilalim ng 4Ps.
Mas palalakasin pa ng ahensya ang 4Ps upang maisama ang mga magsasaka at mangingisda sa programa.
Sa ilalim nito pagkakalooban na sila livelihood at mga employment opportunities .
Batay sa mga isinagawang impact assessment ng NEDA, 25 percent nang naitawid sa kahirapan ang mga benepisaryo ng 4Ps.
Naitala rin ang mas mataas na enrollment at attendance rates ng mga bata na pumapasok sa eskwela at naibaba rin ang mga kaso ng pagkabansot ng mga bata na nasa 6 buwan hanggang 3 taong gulang dahil regular na silang nakakapag-avail ng kaukulang health services.