DSWD, tiniyak na may sapat na pondo para tulungan ang evacuees ng Bulkang Taal

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat silang Quick Response Fund (QRF) para tulungan ang mga residenteng lumikas dahil sa pangambang muling sumabog ang Bulkang Taal.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, handang tumulong ang ahensya sa relief efforts ng mga Local Government Unit (LGU) sa mga panahon ng kalamidad at sakuna.

May mga nakaimbak silang family food packs at non-food items tulad ng hygiene kits, sleeping kits para suportahan ang mga LGU.


Nakahanda rin ang kanilang quick response personnel para sa deployment.

Sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, mayroong standby funds ang ahensya na nasa higit 1.36 billion pesos.

Ang DSWD Field Office 4-A (CALABARZON) ay mayroong family food packs na nagkakahalaga ng higit ₱2.6 million at available raw materials na nagkakahalaga ng higit ₱8.5 million.

Facebook Comments