DSWD, tiniyak na titingnan ang kaso ng mga nasuspinde nilang tauhan

Inuusisa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kaso ng kanilang mga tauhan na nasuspinde dahil sa pagkakasangkot sa nga iregularidad.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, tiniyak niya na papatawan ng nararapat na parusa ang mga ito kapag napatunayang lumabag sila sa mga patakaran.

Kaisa sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito na linisin ang pamahalaan mula sa katiwalian.


Pagtitiyak pa ni Bautista na ang kanilang mga opisyal at tauhan ay sumusunod sa Stategic Perfomance Management System.

Facebook Comments