DSWD, tiniyak na tuloy tuloy ang gagawing pagtulong sa Marawi City

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na tuloy tuloy ang gagawin nilang pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan at inilikas dahil sa patuloy na opensiba ng militar laban sa Maute group sa Marawi City.

Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo hanggat hindi nakababalik sa kani-kanilang komunidad ang mga residente ay patuloy ang kanilang gagawing ayuda.

Tiniyak ni Taguiwalo na kahit ang pamilyang pinili ang manatili nalamang sa kamag-anak sa Ilagan City ay tutulungan din ng DSWD.


Dagdag pa ng kalihim na sa ngayon ay umaabot na sa 55 milyong piso ang naibigay na tulong na pondo ng ahensya sa mga rehiyong lubhang apektado sa matinding bakbakan sa Marawi City.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments