DTI, hinikayat na gawing “alternative finance hub” ang Pilipinas

Hinikayat ng Kamara ang Department of Trade and Industry (DTI) na i-present ang Pilipinas bilang “alternate hub” para sa mga finance companies.

Ang rekomendasyon ay kasunod ng pag-alis ng mga foreign financing firms sa Hong Kong dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon doon dahil sa pandemya.

Para sa mga kongresista, pagkakataon na ito ng Pilipinas para maipakilala na “alternative finance hub” sa Western Pacific.


Tinukoy ng Kamara na naririyan ang BGC Taguig, Clark, Makati, Quezon City at Metro Cebu na maaaring gawing pangunahing “alternative finance hub” sa bansa.

Kumpiyansa rin ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na dahil sa mas pinaluwag na batas para sa mga dayuhang mamumuhunan ay naging mas “competitive host” ang bansa bilang regional headquarters at global hubs ng mga malalaking kompanya.

Pinaniniwalaan din na isa itong “golden opportunity” para matiyak ang tuluy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya at long term growth.

Facebook Comments