DTI LA UNION, HINIMOK ANG PUBLIKO SA PAGGAMIT NG “TIMBANGAN NG BAYAN”

Hinimok muli ng Department of Trade Industry La Union ang regular na paggamit ng “Timbangan ng Bayan” o public weighing scales na naka-install sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan.
Alinsunod dito, namahagi ang Provincial Director ng DTI La Union ng dalawang weighing scale sa isang bayan sa La Union hindi lamang upang para sundin ang implementasyon ng batas, gayundin ang pagpapanatili ng makatarungan na pagkuha ng bigat ng mga napamili na tama sa halaga ng presyong babayaran.
Matatandaan na nilagdaan ni dating Pangulong Duterte ang RA 11706 o “Timbangan ng Bayan” Law noong Abril 13, na nag-amyenda sa Chapter II, Title III ng RA 7394 o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines.

Ito ay nakainstall sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan, pati ang mga supermarket, grocery store, sa loob ng kani-kanilang lokalidad na naglalayong masuri ang matuwid at tugmang bigat ng produkto at presyong babayaran.
Patuloy naman ang paghikayat ng DTI La Union sa paggamit nito ng mga pamilihan sa lalawigan ng La Union. |ifmnews 
Facebook Comments