Apat na araw bago ang pagdiriwang ng bagong taon ay nag-iikot na ang Department of Trade and Industry sa mga pamilihan upang masigurong nasusunod ang suggested retail price (srp) ng mga bilihin.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DTI Assistant Secretary Atty. Ann Claire Cabochan na may isa na silang nasampolan na pamilihan sa Quezon City na napag-alaman na nag-o-overprice.
Kasunod nito, sinabi ni Cabochan na sumulat na sila ng letter of inquiry dahil sa pagbebenta ng overpriced na keso at mayonnaise.
Samantala, naging maayos naman ang kanilang pag-iikot kung saan nagpaalala lamang sila sa mga may-ari ng pamilihan.
Facebook Comments