Ngayong papalapit nanaman ang pasko, Nagbigay ng paalala ang Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan sa publiko ng ligtas na pamamaraan ng pamimili at online na pag-secure gaya na lamang ng “Think, before you Click”.
Mahigpit na pinaalala ng ahensya ang pag-iingat ng pamimili lalo na online dahil sa naglipa na ang mga scammer at manloloko lalo at holiday season.
Si DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, nagbigay ng paalala sa publiko na laging maging mapanuri sa tuwing mag-oonline shopping, online banking, at paggamit ng social media applications.
Ilan sa mga safety tips at mga safe para i-secure ang online transactions ayon sa DTI Pangasinan ay i-verify kung legitimate ba ang online store at kung may valid permit at registration na issue ng DTI at iba pang government offices.
Kapag bumibili rin daw ng mga produkto at services, huwag agad magtitiwala sa mga nakalagay na “pay first” bago matanggap ang produkto, mas mainam kung cash on delivery na lang. Huwag rin daw magpapadala sa mga offer na gifts sa mga online stores at maiging basahin ng mabuti ang mga reviews sa bibilhan.
Ilan lamang ito sa pinaalala ng DTI Pangasinan at dagdag pa ni Dalaten, kung kaduda-duda ang mga transactions, investments at promotions na ino-offer online, maaari daw na ito ay scam o fraudulent.
Pinaalalahanan ang publiko na mabuting bisitahin ang mga malapit na Negosyo Center sa inyong mga lugar at ichech din ang mga online promotions sa DTI office na malapit sa inyong mga lugar. |ifmnews
Facebook Comments