DTI PANGASINAN, MULING NAGPAALALA SA PUBLIKO UKOL SA PAGBILI NG MGA PAILAW SA PASKO

Muling pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang publiko partikular na sa mga mamimili sa pagbili sa karaniwang mga ilaw sa Pasko.
Layunin ng paalala ng ahensya ay upang matiyak ang kaligtasan sa pagsiselebra ng kapaskuhan ngayong taon.
Pahayag ni Guillermo Avelino, Jr., senior trade and industry development specialist at in-charge ng Consumer Protection Division ng DTI-Pangasinan, dapat palagi umanong suriin ng publiko ang authenticity ng mga Christmas lights upang maiwasan ang anumang insidente na na maaaring magdulot ng sunog.

Ipinaalala ng ahensya ang mga produktong hindi sertipikado at substandard na maging mapagmatyag sa mga ito.
Sinabi pa ni Avelino na maaaring gumamit ang mga consumer ng verification app para makita kung peke ang mga sticker ng Philippine Standard (PS) Quality at/o Safety Mark at Import Commodity Clearance (ICC).
Samantala, ilang linggo na lang sasapit na muli ang pinakamasayang panahon taun-taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments