MGA OUTGOING BRGY OFFICIALS, BINIGYAN NG TATLONG LINGGO PARA SA TRANSITION PERIOD SA NEWLY ELECTED BSK COUNCILS

Tatlong linggo ang ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga outgoing Barangay Officials para sa transition period upang maiturn over ng tuluyan ang mga importanteng dokumento sa mga bagong halal ng mga BSK Councils.
Sa Dagupan City, matapos ang halalang pambarangay nito lamang Oct. 30, naipakilala na ang kabuuang tatlumpu’t-isa re-elected at newly elected na mga Barangay Captain, Brgy. Kagawads maging ang mga nanalong SK Council.
Ilan sa mga ito ay naghahanda na rin para sa kanilang magiging dalawang taong termino na pamumuno sa kani-kanilang kinabibilangang barangay.

Samantala, sinabi naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na nakahanda ang kanilang pamunuan sakaling magkaroon ng problema o tensyon sa transition period. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments