DTI, tiniyak na pag-aaralang mabuti ang hirit na taas presyo sa mga pangunahing bilihin

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi dapat basta-basta magtataas ng presyo ng mga bilihin dahil lamang sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

Sa taya ng industry sources, naglalaro ng isa hanggang siyam na porsiyento o katumbas ng 30-Centavos hanggang 1.50 Pesos ang hinihiling na taas-presyo sa ilang brand ng Sardinas, Noodles, at Kape.

Ayon kay DTI Asec. Ann Claire Cabochan, pinag-aaralan nilang mabuti ang mga hiling na dagdag presyo sa mga pangunahing bilihin.


Maglalabas sila ng Suggested Retail Price (SRP) bago matapos ang buwan.

Kasabay nito, inihahanda na rin ng dti ang bagong SRP Guide sa Noche Buena Products.

Facebook Comments