Transgender na nakipagkita sa textmate,natagpuang patay, suspek isa umanong menor de edad

1153

Patay na ng matagpuan ang isang transgender matapos umanong pagtatagain sa Patar Beach Bolinao Pangasinan ng ito ay makipagkita sa kaniyang textmate.

Sa panayam ng iFM Dagupan sa PNP Bolinao, gabi ng manggaling umano sa inuman ang biktimang kinilalang si Jestoni Remiendo at nagpasyang makipagkita sa kaniyang textmate.


Hindi na umano ito nakabalik pa sa inuman ng magbabarkada at kinaumagahan nakita ang katawan nito sa tabi ng dagat na puno ng pananaga sa iba’t-ibang parte ng katawan. Halos maputol na ang leeg nito at ginilitan ang mata.

Narekober ang cellphone nito sa pinangyarihan ng insidente at nakita ang palitan ng text ng biktima at ng suspek. Pinaghahanap na ngayon ng awtoridad ang suspek na isa umanong menor de edad na karelasyon ng biktima.

 

Photo Credit: James Apigo

Facebook Comments

From Advertisers