DTI, tiniyak na sapat ang supply ng mga noche buena products

Manila, Philippines – Ngayong 83 araw na lamang at Pasko na!

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na supply ng mga noche buena products hanggang katapusan ng taon.

Ayon kay Undersecretary Atty. Teodoro Pascua ng Consumer Protection Group ng DTI, walang dapat ikaalarma ang ating mga kababayan.


Siniguro din nito na mahigpit nilang binabantayan ang Suggested Retail Price (SRPs) ng mga noche buena products tulad ng ham, sandwich spread, mayonnaise, pasta, macaroni, tomato sauce, fruit cocktail/mixed fruits, cream, cheese at queso de bola.

Tuloy-tuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng DTI sa mga manufacturers bilang paghahanda sa papalapit na papalapit na panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments