City of Ilagan, Isabela – Sisimulan na bukas ng umaga ang Dulog at Dinig Outreach Caravan sa pitong barangay ng City of Ilagan Isabela sa pangunguna ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz at mga department heads ng pamahalaang panlungsodn ng Ilagan.
Ayon kay City Administrator Reynold “Nong” Lora ng Ilagan, mag-uumpisa ang caravan sa Barangay Rugao kung saan lahat umano ng serbisyo ng city government ay dadalhin din sa barangay ng San Lorenzo, Quimalabasa, San Pablo, San Juan, San Rodrigo at Barangay Malasin.
Aniya kabilang sa serbisyo ang medical and dental mission, comelec registration na para sa mga hindi pa nakapagrehistro, mass wedding, libreng tuli at marami pang ibang serbisyo na sasagot umano sa pangangailangan ng bawat mamamayan sa bawat barangay.
Samantala ang naturang programa umano ng pamahalaang panlungsod ng Ilagan ay matagal nang sinimulan kung saan ito ay isinasagawa dalawang beses kada taon ngunit kinukumpol lamang ito upang mabigyan ng serbisyo ang 91 barangay ng City of Ilagan.