‘Dulog at Dinig Outreach Program’, Isinagawa ng PNP Tumauini!

Cauayan City, Isabela- Bukod sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bayan ng Tumauini ay naghatid rin ng tulong ang kapulisan sa mga residente ng Sitio Pallacot at Sitio Patad ng Brgy. Caligayan na isa sa mga liblib na lugar ng nasabing bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Eugene Mallillin, hepe ng PNP Tumauini, nasa mahigit kumulang 500 katao ang nabiyayaan sa kanilang ‘Dulog at Dinig Outreach’ program na kinabibilangan ng mga bata at matatanda.

Halos anim na oras aniya ang kanilang ginugol sa paglalakad bago marating ang Sitio Pallacot.


Bilang bahagi ng programa ay nagkaroon ng libreng konsultasyon, feeding program, libreng gupit, pamimigay ng tsinelas, mga damit, school supplies at iba pang mga pangunahing gamit.

Layon aniya ng kanilang hanay na makatulong sa mga lubos na nangangailangan at mapigilan na rin ang krimen sa kanilang nasasakupan.

Katuwang ng PNP Tumauini ang iba’t-ibang LGU’s at non-government unit sa paghahatid ng tulong sa nasabing lugar.

Facebook Comments