DUMALO | Ilang opisyal ng Korte Suprema, nagtungo ng Marawi

Marawi City – Personal na nagtungo sa Marawi City ang ilang matataas na opisyal ng Korte Suprema.

Kabilang dito sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, at Court Administrator Jose Midas Marquez.

Dumalo ang mga ito sa turn over ceremony ng mga Regional Trial Courts na ipina-renovate ng Provincial Government ng Lanao del Sur matapos masira sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City.


Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Carpio ang pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur at nangako ito na tutulong ang Korte Suprema para maibalik ang kapayapaan at hustisya sa mga naging biktima ng Marawi seige.

Dumalo rin sa okasyon sina Lanao del Sur Vice Governor Bombit Adiong, Marawi City Mayor Majul Gandamra at mga hukom ng Lanao at Cagayan de Oro.

Facebook Comments