Ayon kay Chief Administrative Officer Raymund Basbas, umabot na sa 334 ang bilang ng mga naka-confine sa Center, hindi pa kabilang dito ang mga nasa aftercare at outpatient services.
Sa kabila ng paglagpas sa kapasidad, nagpapatuloy ang operasyon at pagbibigay ng serbisyo ng DOH-DTRC Dagupan sa mga nangangailangan ng rehabilitation services.
Kasabay nito, kinilala naman ng Professional Regulation Commission o PRC ang DOH-DTRC Dagupan bilang accredited Continuing Professional Development o CPD Provider ng CPD Council of Psychology.
Ayon sa Center, bahagi ito ng kanilang pagsusulong ng professional growth, lifelong learning at patuloy na pagpapahusay ng serbisyo ng mga propesyonal na nangangalaga sa kanilang mga kliyente.
Bukod sa rehabilitation services, nagpapatuloy rin ang anti-drug campaign ng tanggapan sa iba’t ibang lugar, partikular sa mga paaralan, upang mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan hinggil sa usapin ng ilegal na droga.
Samantala, maaaring makipag-ugnayan sa DOH-DTRC Dagupan sa pamamagitan ng kanilang aktibong social media accounts ang mga nais magtanong, magpakonsulta o alamin ang proseso para sa rehabilitation services. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
