LEPTOSPIROSIS, BINABANTAYAN SA BAHAING LUGAR SA DAGUPAN; ISANG KASO KASO SA BARANGAY HERRERO, NAITALA

‎Pinaigting ang pagbabantay laban sa leptospirosis sa Barangay Herrero-Perez sa Dagupan City, kasabay ng patuloy na pagbaha sa ilang lugar.
‎

‎Ayon kay Punong Barangay Generoso T. Gomez, isang kaso na ng leptospirosis ang naitala sa kanilang lugar, ngunit nagpapagaling na umano ang naturang pasyente.
‎

‎May isa pa ring evacuee na nakitaan ng mga sintomas na maaaring may kaugnayan sa sakit kaya agad itong isinugod sa ospital para mabigyan ng kinakailangang medical attention.
‎
‎
‎Bilang preventive measure, pinaigting ng barangay ang pamamahagi ng libreng doxycycline sa mga residente, alinsunod sa gabay ng health authorities, upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit.
‎
‎
‎Katuwang din ng barangay ang mga Barangay Health Workers o BHWs sa pagmo-monitor sa mga pamilya, lalo na ang mga nasa evacuation centers at mga lugar na apektado ng baha.
‎

‎Tinutulungan din nila ang pamamahagi ng gamot sa mga kabahayan at pagbibigay ng health information sa mga residente.
‎
‎
‎Samantala, pinaalalahanan ang publiko na iwasang lumusong o maglakad sa baha, lalo na kung may sugat o galos sa balat.
‎

‎Pinayuhan ding agad magpakonsulta kung makaranas ng sintomas na maaaring kaugnay ng leptospirosis matapos ma-expose sa baha.
‎

‎Hinihikayat naman ang mga residente na makipag-ugnayan sa BHWs at health authorities upang agad na maaksyunan ang posibleng kaso at maprotektahan ang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments