DUMEPENSA | Kakai Bautista, itinangging pinerahan lang siya ng rumored ex-bf na si Ahron Villena

Manila, Philippines – Sa kabila ng naging hindi pagkakaunawaan dati, ipinagtanggol pa rin ng komedyanteng si Kakai Bautista ang na-link sa kanya noon na si Ahron Villena.

Pinaratangan kasi si Ahron na ginamit lang si Kakai bagay na itinanggi ng komedyante.

Aniya, hindi totoong pinerahan lang siya ng aktor dahil katunayan, lagi silang hati sa gastos sa mga naging biyahe nila.


Gayunman, aminado si Kakai na talagang na-“fall” siya kay Ahron pero sa ngayon, better friends na lang daw muna sila.

Noong nakaraang taon, matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Kakai at Ahron matapos ang naging pahayag ng huli na kailaman man ay hindi naging sila ng komedyante.

Facebook Comments