DUMEPENSA | P-Duterte, nagpaliwanag kung bakit mas nais niyang makatrabaho ang mga kalalakihan

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit mas gusto talaga niya ang mga lalaki sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Duterte, marami siyang mga utos na magagawa raw ng mga lalaki kaya at naniniwala siya na hirap ang mga babae na sundin ito.

Inihalimbawa ng Pangulo na mauutusan niya ang sinumang lalaking opisyal na magtungo sa Marawi na ayaw naman niyang ipagawa sa mga babae.


Pero sa kabila nito, sinabi ni Duterte na may mga posisyon sa pamahalaan na mas bagay at nararapat sa mga kababaihan, tulad ng Department of Tourism (DOT) na ngayon ay pinamumunuan ni Secretary Berna Romulo-Puyat.

Matatandaang nabatikos si Duterte dahil sa pahayag nito na bagaman at may kakayahan ang mga babae ay hindi raw kaya ng mga ito ang mga banta at intimidasyon.

Facebook Comments