SUPPLY NG BIGAS | 5,000 sako ng inangkat na bigas ng NFA, nadiskarga na

Manila, Philippines – Asahan na ngayong araw ang mga murang bigas sa pamilihan matapos na madiskarga ang nasa 5,000 sako ng inangkat na bigas para sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesman Rex Estoperez, ang mga murang bigas ay inangkat pa ng pamahalaan mula sa Vietnam at Thailand.

Naipamahagi na rin ng NFA sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga ang 28,000 sako ng bigas.


Inaasahan namang darating sa susunod na buwan ang ikalawang batch ng inangkat na bigas ng pamahalaan.

Matatandaan na naantala ang pamamahagi ng bigas dahil sa patuloy na pag-ulang naranasan nitong mga nagdaang araw.

Facebook Comments