DUMEPENSA | PRRD, itinangging susundan ng nationwide martial law ang inilabas na MO 32

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang Memorandum Order, na magdaragdag ng mga sundalo at pulis ilang lalawigan sa Visayas at Bicol Region ay hudyat ng pagdedeklara niya ng nationwide martial law.

Sa isang ambush interview, iginiit ng Pangulo na wala siyang planong magdeklara ng batas militar sa buong bansa.

Aniya, may sapat presidential powers para supilin ang lawless violence.


Iginiit ng Pangulo na ang hakbang na ito ay tugon sa dumaraming armed encounters at insidente ng pagpatay sa mga pulis at sundalo.

Nasupresa rin ang Pangulo sa media kung bakit interesado ang mga ito sa deployment habang siya ay ginagampanan ang tungkuling panatilihin ang seguridad ng bansa.

Sa ilalim ng Memorandum Order 32, magpapakalat ng dagdag na pwersa ng pamahalaan sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol para sugpuin ang lawless violence at acts of terror at mapigilan ang pagkalat ng karahasan sa iba pang panig ng bansa.

Sa ngayon, ang martial law ay umiiral lamang sa Mindanao at nakatakdang mapaso sa susunod na buwan.

Facebook Comments