DUMEPENSA | Sen. Pacquiao, idinepensa ang pagsusulong niya sa death penalty

Manila, Philippines – Idinepensa ni Senator Manny Pacquiao ang pagsusulong niyang maibalik ang parusang bitay laban sa mga mapapatunayang sangkot sa high level drug trafficking.

Tugon ito ni Pacquiao sa pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na nililigaw nya ang mamamayan sa katwirang nakasulat sa banal na aklat ang pahintulot sa pagpaparusa ng kamatayan.

Ayon kay Pacquiao, nirerespeto niya ang lahat ng paniniwala at relihiyon pero malinaw sa Romans 13 ng bibliya na bagaman at mali ang pumatay sa kapwa ay pinapahintulutan ng Diyos ang gobyerno o otoridad na patawan ng bitay ang sinumang gagawa ng karumal-dumal na krimen.


Paliwanag ni Pacquiao, sinasabi sa Romans 13 na sa pamamagitan ng espada ay maaring pugutan o patayin ang sinumang magkakasala.

Target ni Pacquiao na ngayong taon ay maipasa na ang death penalty bill at tiwala siyang makakakuha ito ng suporta sa mga senador basta at ipapataw lang laban sa mga sangkot sa high level drug trafficking.

Facebook Comments