DUMOBLE | Bilang ng mga job seekers sa Job fair sa Quezon City hall ground, dumagsa

Manila, Philippines – Dumoble pa ang bilang ng mga job seekers na dumagsa at nagbabakasakali na makakuha ng trabaho sa Job fair sa Quezon City hall grounds na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasabay ng Labor Day celebration ngayong araw.

Aabot sa 4,040 bakanteng trabaho ang naghihintay sa mga job seekers para sa local employment at 500 naman para sa overseas at tinatayang 300 sa government service.

Nangunguna sa mga patok na bakanteng trabaho ay ang Data encoders (300), service crew (200), Janitors (200), baggers (150) sales clerk (250) at ang DTI na nangangailangan din ng tinatayang 300 empleyado.


Sa on going job fair sa lungsod, 36 na employer sa local jobs ang nag lumahok dito, 5 naman para sa ibang bansa at at isa mula sa government agency.

ang job fair sa QC ay bahagi lamang sa limang lugar sa Metro Manila na nag alok ng halos 39,000 bakanteng trabaho sa local at overseas kasabay ng paggunita ng araw ng paggawa ngayong araw.

Facebook Comments