Duque, tinawag na “nuisance” at “unfounded” ang mga bagong kasong isinampa laban sa kanya

Manila, Philippines – Itinuturing ni Health Secretary Francisco Duque III na ‘nuisance’ at ‘unfounded’ ang mga panibagong kasong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Ito ay may kaugnayan sa sinasabing ‘conflict of interest’ sa contract leasing ng isang family-owned property sa PhilHealth.

Ang mga complainant ay mga magulang ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.


Ayon kay Duque – hindi pa niya natatanggap ang pormal na kopya ng reklamo.

Hindi na rin niya ikinagulat ang mga isinasampang kaso ng Public Attorney’s Office (PAO) laban sa kanya.

Aniya, ang unang batch ng kaso ay ibinasura ng Department of Justice (DOJ) nitong Marso.

Tiniyak ng kalihim na patuloy nitong gagampanan ang duty nito sa DOH.

Nasa 14 na complainants ang nag-akusa sa kalihim ng plunder, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Code of conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Facebook Comments