Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping, nagkaroon ng restricted bilateral meeting

Manila, Philippines – Nagkaroon ng restricted bilateral meeting si Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping.

Kasunod na rin ito ng dinadaluhang “one belt, one road” forum sa Beijing, China.

Ayon kay Philippine Ambassador to the China Jose Santiago Sta. Romana – pinag-usapan ng dalawa ang lagay ng mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China mula ng huli silang magkita noong Oktubre ng nakaraang taon.


Kahapon ay dumalo ang pangulo sa welcome ceremony sa Yanqi Lake, International Convention Center na sinundan ng leaders roundtable session 1 sa Ji Xian Hall, ICC, kasama sina Russian Pres. Vladimir Putin at Xi Jinping.

DZXL558

Facebook Comments