MANILA – Bagsak na grado ang ibinigay ng mga kabataan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa unang 100 araw nito.Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago, hindi pasado sa kanila ang pangulo lalo na sa usapin ng karapatang pantao.Punto nito, sa first 100 days ng administrasyon, libo-libo ang napatay sa gitna ng kampanya laban sa droga at ang ilang politically motivated killings.Bagsak din ang grado ng pangulo sa edukasyon dahil wala pa itong nagagawa para tapusin ang commercialization kahit ng public education sa bansa at bumaligtad pa ito sa pangako noon na ipatitigil ang K to 12 program.Karapat-dapat naman anila ang Pangulo sa incomplete mark pagdating sa usapin ng labor dahil hindi pa nito lubos na naisasakatuparan ang pangakong tapusin ang endo at kontraktwalisasyon ng mga manggagawa.Tulad ng sa isyu ng labor, incomplete mark din ang ibinigay ng mga kabataan sa pangulo para sa usapin ng peace negotiation at independent foreign policy.Ayon kay Elago, bagamat malaking hakbang na ang nagawa para buhayin ang negosasyon sa cpp-npa-ndf ay bigo pa rin naman ang gobyerno na palayain ang mga political prisoners.
Duterte, Binigyan Ng Bagsak Na Grado Ng Grupo Ng Kabataan
Facebook Comments