Duterte-China deal, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Iginiit ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na maimbestigahan ng House of Representatives ang umano’y kasunduan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Muling isinulong ni Castro ang pagdinig ng Kamara makaraang aminin ni former President Duterte ang secret deal niya sa China.

Malinaw ayon kay Castro na hindi ito pabor sa ating bansa at mamamayang Pilipino kaya dapat managot ang nasa likod nito.


Para kay Castro, labis itong nakakabahala dahil baka naibenta na pala ni Duterte ang West Philippine Sea pero hindi pa natin alam.

Diin ni Castro, dapat maisapubliko ang kabuuang laman ng naturang secret agreement ni Duterte sa China dahil mahalagang pairalin ang transparency and accountability sa mga bagay na may kaugnayan sa intres at soberenya ng ating bansa.

Facebook Comments