Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections, patunay na gahaman sa kapangyarihan ang pamilya Duterte ayon sa Bayan Muna

Pagiging gahaman sa kapangyarihan ang binubuong Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections ayon sa Bayan Muna Partylist.

Kasunod ito ng pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na interesado siya sa pagtakbo bilang presidente ng bansa habang bise-presidente naman ang kinokonsiderang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang nilulutong tambalan ay hindi lamang isang political dynasty kundi isa ring monarkiya.


Giit pa ng kongresista, nagpapalusot lamang si Hugpong ng Pagbabago Spokesperson Anthony del Rosario nang itanggi nito na hindi isang dinastiya kung sakaling mahalal ang mag-ama sa mga nasabing posisyon.

Paliwanag ni Gaite, nakasaad sa Konstitusyon na hindi na maaari pang maghangad ng top executive position ang isang pangulo pagkatapos ng kaniyang termino.

Aniya, malinaw na binabalewala ng mga ito ang Philippine Constitution para lamang hindi bitawan ang kanilang kapangyarihan.

Facebook Comments