Duterte, nag-organize ng thanksgiving dinner para sa mga artista

2609

Umuulan ng mga bituin kagabi sa Palasyo para sa pagtitipon na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at long-time partner na si Honeylet Avanceña.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, ito ay isang thanksgiving dinner para sa mga artistang sumoporta kay Presidente Duterte mula noong 2016.


Ilan sa mga pumunta sa event ay sina Toni at Alex Gonzaga, direktor Paul Soriano, Katrina Halili, Bayani Agbayani, Vhong Navarro at Ryan Bang.

Dumalo din si John Lloyd Cruz na mayroong selfie kasama si Andanar.

Naroon din sina April Boy Regino, Jed Madela, Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Philip Salvador, Robin at Mariel Padilla, Cesar Montano, Aiko Melendez, Niño Muhlach, Will Devaughn, at Vivian Velez, Ice Seguerra at Liza Dino.

Labis naman ikinatuwa ng Malacañang ang pagsipot ng mga celebrities sa kanilang organized event.



Facebook Comments