Duterte, sesertipikahang ‘urgent’ ang SOGIE Bill

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang sertipikahan bilang ‘urgent’ ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Sa pahayag ni Duterte sa Malacañang nitong Martes, sinabi niyang gagawin niya ang kahit anong magpapasaya sa LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender and queer) community.

“Yes, whatever would make the mechanisms, what would make them happy. Gusto ko, kagaya kay Senator [Juan Ponce] Enrile, gusto ko happy siya,” ani Pangulo na ginamit ang election campaign slogan ni Enrile na “Gusto ko happy ka.”


Kalagitnaan ng Agosto nang makipagpulong si Duterte sa mga LGBTQ advocates sa Malacañang kasama ang transgender na si Gretchen Diez na naging usap-usapan matapos pagbawalang gumamit ng pambabaeng banyo sa Quezon City at arestuhin.

Kasunod ng insidente, muling binuhay ang panukalang naglalayong protektahan ang LGBTQ community laban sa diskriminasyon.

Muling inihain ni Senador Risa Hontiveros ang SOGIE Bill sa 18th Congress na dinidinig pa rin sa Senado.

Facebook Comments