Muling pagbubukas ng Kindness Station sa Lipa, Batangas, dinagsa ng publiko

Dinagsa ng publiko ang muling pagbubukas ng Kindness Station na matatagpuan sa Simbahang Katolika sa Lipa, Batangas.

Sa nasabing station, namahagi ng mga locally produced na pagkain tulad ng kapeng barako, gulay, isda at itlog para sa mga nangangailangan.

Unang binuksan ang Kindness Station para sa mga lumikas nang pumutok ang Bulkang Taal sa Talisay, Batangas noong Enero 2020.


Sa ngayon, nananawagan na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc. (LASAC) na magbukas ng sariling Kindess Station ang lahat ng simbahan sa Batangas.

Facebook Comments