dxCC-RMN Cagayan de Oro, ipinagdiriwang ang ika-65th Anniversary ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong ng dxCC-RMN Cagayan de Oro ang ika- anim naput limang anibersaryo.
Mamayang alas dies ng umaga ay isasagawa ang misa pasasalamat sa Fatima Chapel dito sa syudad.
Kabilang sa dadalo sa selebrasyon ang Presidente ng RMN na si Sir Eric Canoy, Vice President for Operations Sir Enrico Canoy, Sir Van Omega, head ng operations support group at iba pang miyembro ng pamilyang Canoy.
Una nang isinagawa noong Miyerkules ang pagbibigay ng mga vitamins sa mga kabataan sa Health Center ng Barangay Consolacion.
Noong Huwebes naman ay dinagsa ng maraming tagapakinig mula sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon ang Medical Mission na isinagawa sa Barangay Consolacion covered court dito sa Cagayan de Oro.
At ngayong araw rin isasagawa ang 650 sa RMN 65th Anniversary Promo kung saan mamimigay tayo ng 650 pesos sa mga tagapakinig ng dxCC-RMN.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza A. Reyes

Facebook Comments