DZXL Radyo Trabaho, balik QC para sa “HuliCash” promo

15

Babalik ngayong araw sa Quezon City ang team ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa ating “HuliCash” promo.

Madali lang manalo dahil kapag naispatan ng DZXL Radyo Trabaho agent na may dikit na stickers ang tricycle, instant winner na ng cash.


Kaya naman sa mga nadikitan noong nakaraang linggo, mag-abang na sa Bagbag Sauyo TODA sa Barangay Sauyo; New LUZONTODA sa Barangay Culiat at BATODA sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Ito ang unang wave o bugso ng ating ‘HuliCash’ ngayong 2021.

Matatandaan noong nakaraang taon, Limampung (50) maswerteng tsuper ang ating nahuli at nakapag-uwi ng maagang noche buena package.

Dahil diyan, abangan sa Huwebes dahil muling susugod ang aming DZXL Radyo Trabaho sa lungsod ng Mandaluyong para sa pagpapatuloy ng ‘HuliCash’ promo ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanapbuhay!



Facebook Comments