Sinovac, walang systemic side effects – FDA

39

Walang nakikita ang Food and Drug Administration (FDA) na systemic side effects mula sa paggamit ng Sinovac vaccines ng China.

Nabatid na kabilang si FDA Director General Erico Domingo sa mga nagpabakuna gamit ang Chinese vaccines.


Sinabi ni Domingo na wala pa siyang nararanasang adverse effects mula nang tumanggap siya ng bakuna.

Nang matapos ang observation period ay wala siyang naranasang allergies sa bakuna.

Tatanggapin niya ang second dose ng bakuna pagkatapos ng apat na linggo.

Hindi pa masabi ni Domingo kung kailangan pang magpaturok ng booster sa susunod na taon ang mga nabakunahan na.



Facebook Comments